Sa kanyang paglalakbay-suri sa Zhengzhou, punong lunsod ng lalawigang Henan sa gitna ng Tsina, nagtalumpati kahapon, Miyerkules, ika-18 ng Setyembre 2019, si Pangulong Xi Jinping ng bansa, hinggil sa pangangalaga sa ekolohiya at de-kalidad na pag-unlad sa kahabaan ng Yellow River, ikalawang pinakamahabang ilog ng Tsina na dumaraan ng malaking bahagi ng bansa.
Sinabi ni Xi, na ang pangangalaga sa ekolohiya ay priyoridad ng pag-unlad sa Yellow River, at dapat kontrolin ang pagkaganap ng baha at tagtuyot sa kahabaan ng ilog. Sinabi rin niyang, kailangang igiit ang ideya ng berdeng pag-unlad, gawin ang mga makatwirang plano ng pag-unlad ng populasyon, lunsod, at industriya sa kahabaan ng Yellow River, at palakasin ang pagtitipid sa yamang-tubig. Ang Yellow River ay mayroon ding mahabang kasaysayan, at pasusulungin ang pangangalaga sa mga lugar na pangkultural at pangkasaysayan sa kahabaan nito, dagdag ni Xi.
Salin: Liu Kai