Kaugnay ng pakikipagtagpo kahapon, Miyerkules, ika-18 ng Setyembre 2019, sa Washington, ni US House Speaker Nancy Pelosi kay Joshua Wong, separatistang nagsusulong ng "pagsasarili ng Hong Kong," at pagpapalabas ni Pelosi ng pahayag hinggil sa pagkatig sa di-umanong kalayaan at katarungan sa Hong Kong, sinabi ngayong araw ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na ito ay lantarang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina. Aniya, ang mga aktuwal na pananalita at aksyon ng ilang politikong Amerikano ay salungat sa ipinatalastas nilang pagkatig sa prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Dagdag ng tagapagsalita, ang pagbibigay-wakas sa karahasan at kaguluhan at pagpapanumbalik ng kaayusan ay tunay na kalayaan at katarungan ng pinakamaraming taga-Hong Kong. Aniya, dapat kilalanin ng ilang politikong Amerikano ang naturang pangunahing mithiin sa Hong Kong.
Salin: Liu Kai