Para maghanap ng pagkatig mula sa mga bansang kanluranin, bumisita kamakailan sa Amerika, Alemanya, at ibang lugar, ang ilang tauhang naninindigan ng "pagsasarili ng Hong Kong," at nasa likod ng kasalukuyang mga marahas na demonstrasyon sa Hong Kong. Humingi rin sila sa panig Amerikano, na pagtibayin ang umano'y Batas sa Karapatang Pantao at Demokrasya ng Hong Kong, at ilakip ang nilalaman hinggil sa karapatang pantao sa kasunduang pangkalakalan ng Amerika at Tsina.
Ang layon ng naturang mga tauhan ay pasulungin ang pakikialam ng mga bansang dayuhan sa mga suliranin ng Hong Kong. Pero, sa ilalim ng prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema," ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat makialam dito ang anumang dayuhang pamahalaan, organisasyon, o indibiduwal.
Samantala, ang porma ng demokrasyang itinataguyod ng mga bansang kanluranin ay hindi talaga angkop sa Tsina at Hong Kong. Sa kabilang banda, ang tunay na target ng mga bansang kanluranin ay walang kinalaman sa pagsasakatuparan ng demokrasya sa Hong Kong o Tsina. Sa katotohanan, gusto nilang paghiwalayin at pahinain ang Tsina, sa pamamagitan ng paglikha ng kaguluhan sa Hong Kong. Pero, ang kalagayang ito ay hinding hindi papayagan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina.
Salin: Liu Kai