Muling ipinahayag ng panig Tsino ang pagkatig sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar at patuloy na pagsisikap para mapasulong ang paglutas sa pagkakaiba ng iba't ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Ipinahayag ito ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Setyembre 19, sa Beijing, kaugnay ng pinakahuling natamong bunga sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar.
Nitong Martes, Setyembre 17, ang National Reconciliation and Peace Center (NRPC) ng Myanmar ay nagdaos ng talastasan sa apat na etnikong armadong grupo na kinabibilangan ng Kachin Independence Army (KIA), Myanmar National Democratic Alliance Army (MNDAA), Ta'ang National Liberation Army (TNLA), at Arakan Army (AA), at maraming komong palagay ang kanilang narating at pinirmahan ang mga natalakay sa pulong.
Salin: Jade
Pulido: Mac