Pumunta kamakailan sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina ang mga dalubhasa mula sa Pransya, Italya, Poland, New Zealand, Rusya, Pakistan, at Thailand, para malaman ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan at kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan doon.
Bumisita ang naturang mga dalubhasa sa mga purok panirahan, distritong komersyal, museo, moske, vocational education and training center, at iba pang lugar ng ilang lunsod ng Xinjiang.
Pagkaraan ng pagbisita, ipinalalagay ng mga dalubhasa, na matiwasay at matatag ang lipunan ng Xinjiang, maganda ang pag-unlad ng kabuhayan, mabuti ang kalagayan ng pananampalataya, at maharmonya ang pakikipamuhayan ng mga mamamayan ng iba't ibang etnikong grupo.
Salin: Liu Kai