Sa paanyaya ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, dumalaw mula ika-19 hanggang ika-21 ng buwang ito sa naturang rehiyong awtonomo ang mga diplomatang dayuhan sa Tsina mula sa Pilipinas, Laos, Kambodya, Nepal, Sri Lanka, Bahrain, at Nigeria.
Magkakasunod na bumisita ang mga diplomata sa Xinjiang Islamic Institute, distritong komersyal, at mga purok-panirahan sa Urumqi, punong lunsod ng Xinjiang; at vocational education and training center, moske, at mga nayon sa Turpan, isang pangunahing lunsod ng rehiyong awtonomong ito, para malaman ang kalagayan ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Xinjiang.
Binigyan nila ng positibong pagtasa ang mga gawain ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang, na gaya ng pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, paggarantiya sa kalayaan sa pananampalataya, paglaban at pag-iwas ng terorismo, at iba pa. Ipinalalagay din nilang ang mga matagumpay na karanasan sa Xinjiang ay karapat-dapat na tularan.
Salin: Liu Kai