Idinaos kahapon, Biyernes, ika-20 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ang sentral na pulong sa gawain ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) at bilang pagdiriwang din sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng organong ito.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang CPPCC ay isang mahalagang likha sa aspekto ng sistemang pulitikal, na ginawa ng Partido Komunista ng Tsina, kasama ng iba't ibang partidong pulitikal, mga personaheng walang kinasasapiang partido, mga organisasyong bayan, at mga mamamayan ng iba't ibang etniko at sirkulo. Ito aniya ay nagpapakita ng mga katangian at bentahe ng sosyalistang demokrasya ng Tsina, na may tampok sa malawakang konsultasyon sa paggawa ng mga desisyon at paglutas sa mga isyu.
Iniharap ni Xi ang kahilingang igiit ang sistema ng CPPCC, at patuloy na pabutihin ang mga gawain ng organong ito sa konsultasyong pulitikal, superbisyong demokratiko, at pagtalakay at paglahok sa pamamahala sa mga suliraning pang-estado.
Salin: Liu Kai