Ipinahayag kahapon, Martes, ika-24 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat walang humpay na pasulungin ang modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pamamahala ng Tsina.
Winika ito ni Xi sa sesyon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC para sa pag-aaral hinggil sa pagbuo at pag-unlad ng sistemang pang-estado at sistemang pambatas ng Republikang Bayan ng Tsina.
Sinabi ni Xi, na nitong 70 taong nakalipas, sa ilalim ng pamumuno ng CPC at sa pamamagitan ng matagal na pagsasapraktika ng mga mamamayang Tsino, unti-unting nabuo sa Tsina ang sosyalistang sistemang pang-estado at sistemang pambatas na may katangiang Tsino. Ang mga ito aniya ay nagsisilbing saligang garantiya sa kasalukuyang pag-unlad ng Tsina, at mahalagang karanasan sa pagpapasulong ng modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pamamahala sa bagong panahon.
Salin: Liu Kai