Bukas, Oktubre 1, ay Pambansang Araw at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Iba't ibang aktibidad na kinabibilangan ng pagtitipun-tipon, parada at palabas na pansining ang nakatakdang idaos maghapon bukas.
Kaugnay nito, isasagawa ng China Media Group (CMG)-China Radio International (CRI) ang live broadcast sa wikang Tsino, Ingles at Ruso, sa pamamagitan ng iba't ibang platapormang gaya ng website, Facebook, at mga APP na tulad ng China Plus.
Mababasa rin ang mga may kinalamang pinakasariwang balita sa wikang Filipino sa website at Facebook page ng CMG-CRI Filipino Service.
Salin: Jade
Pulido: Rhio