Isang maringal na selebrasyon ang nagsimula alas-10:00 ngayong umaga sa Tian'anmen Square sa Beijing, kabisera ng Tsina, bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).
Bilang pasimula sa tatlong oras na selebrasyon, nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Pagkatapos, isasagawa ang malaking paradang nilalahukan ng mahigit 115,000 kawal at mamamayan.
Sa pamamagitan ng 70 taong pag-unlad, ang Tsina ay naging ikalawang pinakamalaking kabuhayan ng daigdig, pinakamalaking bansa ng kalakalan sa paninda, pinakamalaking bansang may pinakamaraming reserba ng salaping dayuhan, at ikalawang pinakamalaking bansang may pinakamalaking puhunan sa ibayong dagat. Kasabay nito, ang karaniwang edad ng mga Tsino ay umaabot sa 77 taong gulang sa taong 2018. Ito'y mula sa 35 taong gulang noong 1949.
Salin: Jade
Pulido: Rhio