Sa okasyon ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), ipinaghayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nitong 70 taong nakalipas, bunga ng pagbubuklod at pagpupunyagi ng sambayanang Tsino, natamo ng Tsina ang kahanga-kangang tagumpay sa iba't ibang larangan. Walang lakas na sasagabal sa hangarin ng mga mamamayang Tsino para isakatuparan ang pambansang kaunlaran, diin niya.
Ani Xi, dahil sa pagkakatatag ng PRC, binago ang kalunus-lunos na tadhana ng sambayanang Tsino at ang nasayong Tsino ay tumatahak sa landas ng dakilang pag-ahon.
Sa pamamagitan ng 70 taong pag-unlad, ang Tsina ay naging ikalawang pinakamalaking kabuhayan ng daigdig, pinakamalaking bansa ng kalakalan sa paninda, pinakamalaking bansang may pinakamaraming reserba ng salaping dayuhan, at ikalawang pinakamalaking bansang may pinakamalaking puhunan sa ibayong dagat. Kasabay nito, ang karaniwang edad ng mga Tsino ay umaabot sa 77 taong gulang sa taong 2018. Ito'y mula sa 35 taong gulang noong 1949.
Isang maringal na selebrasyon ang nagsimula alas-10:00 ngayong umaga sa Tian'anmen Square sa Beijing, kabisera ng Tsina, bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng (PRC).
Sain: Jade
Pulido: Rhio