Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), ipinahayag Martes, Oktubre 1, 2019 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na sa proseso ng pagsulong ng Tsina, dapat igiit ang landas ng mapayapang pag-unlad. Dapat din aniyang igiit ang bukas na estratehiyang may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta para mapasulong, kasama ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa ng daigdig ang pagtatatag ng Komunidad ng Komong Kapalaran ng Buong Sangkatauhan.
Salin: Lito