Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), ipinahayag Martes, Oktubre 1, 2019 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ang malalim na pag-alaala sa mga beteranong rebolusyonista at martir na nakapag-ambag para sa pagsasarili ng Nasyong Tsino, kalayaan ng mga mamamayan, kalakasan ng bansa, at kaligayahan ng mga mamamayan.
Nagpahayag din si Xi ng taos-pusong pasasalamat sa mga dayuhang kaibigan na kumakatig at tumutulong sa pag-unlad ng Tsina.
Salin: Lito