Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), ipinagdiinan Martes, Oktubre 1, 2019 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na sa proseso ng pagsulong ng Tsina, dapat igiit ang pamumuno ng CPC, pangunahing katayuan ng mga mamamayan, at landas ng sosyalismong may katangiang Tsino. Dagdag pa niya, dapat ding komprehensibong tupdin ang pundamental na teorya, ruta, at patakaran ng CPC para walang humpay na tugunan ang hangarin ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay at likhain ang bagong dakilang usaping historikal.
Salin: Lito