Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pananangan ng bansa sa mga prinsipyo ng "Mapayapang Reunipikasyon, at Isang Bansa Dalawang Sistema," para mapasulong ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macao, at mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
Nanawagan din siya sa sambayanang Tsino na patuloy na magsikap para maisakatuparan ang reunipikasyon ng Tsina.
Ito ang ipinahayag ni Xi sa kanyang talumpati sa maringal na pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), na nagsimula ngayong umaga sa Tian'anmen Square sa Beijing, kabisera ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio