Sa maringal na selebrasyon ng Pambansang Araw at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) na ginanap ngayong umaga, sa Beijing, ipinaghayag ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, na ang nakaraan ng Tsina ay naitala na sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang kasalukuyan ay nililikha ngayon ng lahat ng mga mamamayang Tsino, at ang kinabukasan ng bansa ay tiyak na magiging mas maganda.
Nanawagan din si Xi sa sambayanang Tsino, mula sa iba't ibang sektor na mas mahigpit na magbuklod para walang humpay na pasulungin ang pambansang kaunlaran at isakatuparan ang pangarap na reunipikasyon ng nasyong Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Rhio