Kahapon, Huwebes, ika-3 ng Oktubre 2019, patuloy na ipinadala ng mga lider ng ibang bansa at organisasyong pandaigdig ang mensahe kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Ang naturang mga lider ay kinabibilangan ng Emperador ng Hapon, Sultan ng Brunei, Pangulo ng Myanmar, Puno ng Estado ng Malaysia, Pangulo ng European Commission, Tagapangulo ng Boao Forum for Asia, at iba pa. Ipinahayag din nila ang pag-asang magiging mas maunlad at masagana ang Tsina, at ibayo pang hihigpit at lalalim ang bilateral na relasyon ng kani-kanilang bansa o organisasyon at Tsina.
Salin: Liu Kai