Patuloy ang komunidad ng daigdig sa pagbibigay ng positibong pagtasa sa talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa maringal na selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, na idinaos noong unang araw ng Oktubre, 2019, sa Beijing.
Ipinalalagay ng mga opisyal at dalubhasa ng Amerika, Pransya, Italya, Singapore, Biyetnam, Brazil, Lebanon, Tanzania, at ibang mga bansa, na ipinakikita ng talumpati ang matatag na determinasyon ng nasyong Tsino sa isakatuparan ang dakilang pag-ahon sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina. Nananalig anila silang, magiging mas maganda ang kinabukasan ng Tsina, at ibayo pang patitingkarin ng bansa ang positibong papel sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Liu Kai