Pinag-uukulan ng komunidad ng daigdig ng malaking pansin ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa maringal na selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, na idinaos noong unang araw ng Oktubre, 2019, sa Beijing.
Ipinalalagay ng mga opisyal at dalubhasa ng Rusya, Amerika, Pransya, Italya, Singapore, Kambodya, Brazil, Indya, Uzbekistan, at ibang mga bansa, na ipinakikita ng talumpati ang kahandaan ng Tsina, na sa landas tungo sa mas malaking tagumpay, igigiit nito ang mapayapang pag-unlad, patuloy na isasagawa ang patakaran ng pagbubukas sa labas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result, at ibayo pang pasusulungin, kasama ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan. Ang mga ito anila ay magbibigay ng bagong ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng buong mundo.
Salin: Liu Kai