|
||||||||
|
||
Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), binigkas ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ang mahalagang talumpati sa maraming okasyon kung saan ipinagdiinan na nagsisikap ang mga mamamayang Tsino kasama ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa daigdig para mapasulong ang pagtatatag ng "Komunidad ng Komong Kapalaran ng Buong Sangkatauhan." Ito ang nagiging "kalutasang Tsino" para mapasulong ang kapayapaan at kaunlarang pandaigdig at pangangasiwang pandaigdig. Noong taong 2013, iniharap ni Pangulong Xi ang magkakasamang pagtatatag ng "Silk Road Economic Belt" at "21st-Century Maritime Silk Road" na nagkakaloob ng bagong puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig at katalinuhang Tsino para sa paglutas sa isyu ng di-balanseng pag-unlad ng buong mundo.
Nitong anim (6) na taong nakalipas, puwersang napapalakas ng "Belt and Road" Initiative at ideya ng pagtatatag ng "Komunidad ng Komong Kapalaran ng Buong Sangkatauhan" ang pagtitiwalaang pulitikal, koneksyong pangkabuhayan, at pagpapalagayang pangkultura ng iba't-ibang bansa. Hanggang noong katapusan ng nagdaang Hulyo, 136 na bansa at 30 organisasyong pandaigdig ang lumagda sa dokumentong pangkooperasyon ng "Belt and Road." Maraming beses ding sinulat sa resolusyon ng United Nations (UN) ang ideya ng pagtatatag ng "Komunidad ng Komong Kapalaran ng Buong Sangkatauhan." Ipinakikita nito na ang ideyang ito ay angkop sa komong kapakanan ng iba't-ibang bansa.
Tinukoy ni Martin Jacques, beteranong mananaliksik sa pulitika at relasyong pandaigdig ng University of Cambridge ng Britanya, na inilalarawan ng "Belt and Road" Initiative ang napakalaking hangarin ng pag-unlad at ibinibigay din nito ang bawat hakbang para maisakatuparan ang hangaring ito. Nagiging katiwa-tiwala at napakalakas nito, kaya tiyak itong magtatagumpay, dagdag pa niya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |