|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Oktubre 9, 2019 kay Punong Ministro Manasseh Sogavare ng Solomon Islands, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ilang araw na ang nakararaan, pormal na naitatag ng Tsina at Solomon Islands ang relasyong diplomatiko sa prinsipyong "Isang Tsina." Ito aniya ay mabuting pangyayaring tumutugma sa tunguhin ng siglo at naghahatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Sinabi ni Xi na bagama't katatatag lamang ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Solomon Islands, kung maisasagawa ang mapagkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan, tiyak na matatamo ng relasyon ng dalawang bansa ang magandang kinabukasan.
Dagdag ng pangulong Tsino, dapat samantalahin ng dalawang bansa ang pagkakataon ng pagkakalagda sa Memorandum of Understanding (MoU) ng "Belt and Road" para mapalakas ang estratehikong koneksyon, mapalawak ang kooperasyon, at mapataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Solomon Islands at kakayahan nito sa sustenableng pag-unlad.
Nagpahayag naman si Sogavare ng mainit na pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Aniya, kinikilala at buong tatag na tutupdin ng kanyang bansa ang prinsipyong "Isang Tsina."
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |