Nakipag-usap Martes, Oktubre 8, 2019 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Imran Khan, dumadalaw na Punong Ministro ng Pakistan.
Binigyang-diin ni Li na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyong Sino-Pakistani, at nakahandang magsikap, kasama ng Pakistan, para mapasulong ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Nagpahayag naman si Khan ng kahandaang pabilisin at pasulungin ang pagtatatag ng Belt and Road, palawakin ang kalakalan at pamumuhunan, pasulungin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at paunlarin ang bilateral na relasyon.
Nang araw ring iyon, sumaksi ang kapuwa panig sa paglagda ng mahigit sampung kasunduan sa bilateral na kooperasyon sa mga larangang gaya ng imprastruktura, seguridad ng pagpapatupad ng batas, kultura, edukasyon, media at iba pa.
Salin: Vera