Nitong Biyernes at Sabado, ika-11 at ika-12 ng Oktubre 2019, isinagawa sa Chennai, Indya, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Narendra Modi ng Indya, ang kanilang ika-2 di-pormal na pagtatagpo.
Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Pangalawang Ministrong Panlabas Luo Zhaohui ng Tsina, na mabunga ang naturang pagtatagpo. Aniya, sa matalik na atmospera, nagpalitan ng palagay ang dalawang lider hinggil sa mga komprehensibo, pangmatagalan, at estratehikong isyung panrehiyon at pandaigdig, at sinang-ayunan nilang palakasin ang mas mahigpit na partnership ng dalawang bansa na nakatuon sa kaunlaran.
Salin: Liu Kai