Dumalo, kagabi, local time, Sabado, ika-12 ng Oktubre 2019, sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bangketeng panalubong para sa kanya na inihandog ni Pangulong Bidya Devi Bhandari ng Nepal.
Sa bangkete, muling binigyan nina Xi at Bhandari ng positibong pagtasa ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at Nepal. Inulit din nila ang kahalagahan ng pagkakatatag ng dalawang bansa ng estratehiko at kooperatibong partnership na nakaharap sa kaunlaran at kasaganaan at may hene-henerasyong pagkakaibigan.
Lumahok din sa bangkete ang mga mataas na opisyal ng Nepal.
Salin: Liu Kai