Nagpulong nitong Lunes, Oktubre 14, 2019 sa Geneva ang Organo ng Paglutas sa mga Alitan ng World Trade Organization (WTO), kung saan pormal na pinayagan ang Amerika na isagawa ang ganting hakbangin ng kalakalan sa Unyong Europeo (EU), batay sa pinakahuling hatol ng WTO sa kaso ng subsidy ng Airbus.
Ipinahayag sa nasabing pulong ng EU na kahit may awtorisasyon ang Amerika sa pagsasagawa ng ganting hakbangin, ang anumang ganitong uri ng hakbangin ay hindi lamang makakapinsala sa pag-unlad ng industriya ng abiyasyon ng daigdig, kundi magbubunsod din ng di-paborableng epekto sa pandaigdigang sistemang pangkalakalan.
Binabalak ng Office of the United States Trade Representative (USTR) ang pagpapataw ng karagdagang 25% taripa sa isang batch ng mga iniluluwas na produkto ng EU sa Amerika, at magkakabisa simula Oktubre 18 ang karagdagang taripa.
Salin: Vera