Nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Industrial Internet Global Summit, na binuksan ngayong araw, Biyernes, ika-18 ng Oktubre 2019, sa Shenyang, lunsod sa hilagang silangan ng bansa.
Tinukoy ni Xi, na sa kasalukuyan, ang tuluy-tuloy na umuunlad na teknolohiya ng industrial Internet ay nagbibigay ng bagong sigla sa pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang bansa, at nagdudulot din ng bagong pagkakataon para sa pagpapasulong ng integrasyong industriyal ng buong daigdig.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na palakasin ang kakayahan sa inobasyon sa industrial Internet, para isakatuparan ang integrated development ng industrialisasyon at impormatisasyon sa mas malawak na saklaw, mas malalim na antas, at mas mataas na lebel.
Salin: Liu Kai