Nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kauna-unahang Qingdao Multinationals Summit, na binuksan ngayong araw, Sabado, ika-19 ng Oktubre 2019, sa Qingdao, lunsod sa silangan ng bansa.
Tinukoy ni Xi, na gumaganap ng positibong papel ang mga multinasyonal sa 40-taong reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina.
Binigyang-diin niyang, palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas, pabubutihin ang kapaligirang pang-negosyo, at ipagkakaloob ang mas maraming pagkakataon para sa mga multinasyonal. Dagdag ni Xi, tinatanggap ng Tsina ang mga bahay-kalakal ng buong mundo na mamuhunan at magnegosyo sa bansa, para isakatuparan ang win-win result at likhain ang mas magandang kinabukasan.
Salin: Liu Kai