Nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-3 Porum sa Kaunlaran at Kooperasyong Pangkabuhayan ng Tsina at mga Bansang Isla sa Pasipiko, na idinaos ngayong araw, Lunes, ika-21 ng Oktubre 2019, sa Apia, kabisera ng Samoa.
Sinabi ni Xi, na sa pamamagitan ng pagtatatag ng komprehensibo at estratehikong partnership na nagtatampok sa paggagalangan at komong pag-unlad, pumasok na sa bagong panahon ang relasyon ng Tsina at mga bansang isla sa Pasipiko.
Umaasa rin aniya siyang, sasamantalahin ng Tsina at mga bansang isla sa Pasipiko ang porum na ito, para palakasin ang pag-uusap, pagpapalitan, at pagtutulungan, at pasulungin ang pagtamo ng mas malaking pag-unlad ng kanilang kooperasyon.
Salin: Liu Kai