Ayon sa estadistikang inilabas nitong Linggo, Oktubre 20, 2019 ng Airport Authority Hong Kong, noong Setyembre, umabot sa 4.9 milyong person-time ang bilang ng mga pasahero ng Hong Kong International Airport, at ito ay bumaba ng 12.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Tatlumpu't tatlong libo tatlong-daam't siyamnapu (33,390) ang bilang ng pag-alis at pagdating ng mga eroplano, na bumaba ng 1%; samantalang 406 libong toneladang paninda ang inihatid, at ito ay bumaba ng 5.96%.
Ayon sa nasabing awtoridad, ang pagbaba ng bilang ng mga inihatid na pasahero at paninda ay sanhi ng epekto ng pagbaba ng bilang ng mga turista sa Hong Kong.
Dahil sa di-malinaw na kapaligiran ng kalakalang pandaigdig, tuluy-tuloy na bumaba ang bolyum ng paghahatid ng paninda sa Hong Kong International Airport. Kabilang sa mga pangunahing rehiyon ng kalakalan, may pagtaas ang bolyum ng paghahatid ng paninda sa Hapon at India.
Salin: Vera