|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Shanghai ang Ika-83 International Electrotechnical Commission Conference. Para rito, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati.
Tinukoy ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang gawain ng pagsasa-istandard, aktibong pagsusulong ng paggamit ng pamantayang pandaigdig, at pagpapasigla ng inobasyon para mapasulong ang pagbubukas sa mataas na lebel at palakasin ang de kalidad na pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa para walang humpay na mapabuti ang pandaigdigang sistema ng pamantayan at estruktura ng pagsasaayos, diin ni Xi.
Mula Oktubre 14 hanggang 25, idinaraos sa Shanghai ang nasabing pulong na dinadaluhan ng mahigit 3,800 dalubhasa mula sa mahigit 100 bansa sa daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |