Sa Doing Business Report 2020 na inilabas Oktubre 24, 2019 ng World Bank (WB), tumaas sa ika-31 puwesto ang Tsina, mula ika-46 na puwesto noong isang taon. Samantala, sa ikalawang taong singkad, nananatili ang Tsina sa unang 10 ekonomiya ng daigdig na may pinakamalaking napabuting kapaligirang pangnegosyo.
Ito ang resulta ng pagpapalalim ng reporma, at pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ng Tsina. Ipinakikita rin nitong, tuluy-tuloy na pinapasulong ng bansa ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, at pinapabuti ang kapaligirang pangnegosyo, para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon at pakinabang sa mga mamumuhunan ng buong mundo, at isakatuparan ang win-win na situwasyon.
Ang pangangasiwa alinsunod sa batas ay batayan ng kapaligirang pangnegosyo ng Tsina. Samantala, iginagalang ng bansa ang mga pandaigdig na kaugaliang pangnegosyo, at pinahahalagahan din ang pantay na kompetisyon.
Ang pinapasimpleng mga prosidyur na administratibo ng Tsina ay nagbibigay-ginhawa sa mga dayuhang kompanya at nagpapasigla rin sa mga mamumuhunan at magnenegosyo sa bansa. Halimbawa, ayon sa nabanggit na ulat, kung mag-aaplay ang isang kompanya ng suplay ng koryente, kinakailangan lamang nito ang 2 prosidyur at 32 araw sa Tsina. Pero, ang karaniwang dalawang bilang na ito sa buong Silangang Asya ay magkahiwalay na mahigit 4 na prosidyur at 63 araw.
Siyempre, ang kapaligirang pangnegosyo ay dapat tuluy-tuloy na maging mas mabuti. Batay sa mga mungkahi ng WB, pabubutihin pa ng Tsina ang kapaligirang pangnegosyo nito, para manatiling mabuting destinasyon ng pamumuhunan at pagnenegosyo sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai