Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: 3 positibong signal sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino

(GMT+08:00) 2019-10-19 19:04:42       CRI
Sa kanyang talumpati sa 2019 World Conference on VR (Virtual Reality) Industry na binuksan ngayong araw, Sabado, ika-19 ng Oktubre 2019, sa Nanchang, lunsod sa timog silangan ng Tsina, inilahad ni Liu He, Pangalawang Premyer Tsino, ang kasalukuyang kalagayan ng kabuhayang Tsino at pinakahuling pag-unlad ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika hinggil sa isyu ng kabuhayan at kalakalan.

Mula sa kanyang talumpati, nakikita natin ang 3 positibong signal. Una, hindi nagbabago ang pundamental na kalagayan ng mainam na tunguhin ng kabuhayang Tsino. Ikalawa, substansyal na progreso ang natamo sa pagsasanggunian ng Tsina at Amerika hinggil sa isyu ng kabuhayan at kalakalan, at naglatag ito ng pundasyon para lagdaan ng dalawang panig ang yugtong kasunduan. At ikatlo, may kompiyansa at kakayahan ang Tsina na isakatupran ang mga nakatakdang target ng makro-ekonomiya.

Ayon sa datos na ipinalabas kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong unang tatlong kuwarter ng 2019 ay lumaki ng 6.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018. Totoong bumagal ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina, pero, kung ihahambing sa ibang mga pangunahing kabuhayan ng daigdig na may isang trilyong dolyares pataas na GDP, nananatili pa ring pinakamabilis ang paglaki ng ekonomiya ng bansa. Ipinakikita nito ang malakas na resilience ng kabuhayang Tsino at kakayahan nito laban sa mga panganib, pati rin ang kakayahan ng pamahalaang Tsino sa makatwirang paggamit ng mga patakarang makro-ekonomiko.

Ang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay isa pang di-tiyak na elemento sa kabuhayang Tsino. Sa pinakahuling okasyon, narating ng dalawang bansa ang komong palagay na ang pagbibigay-wakas sa trade war ay makakabuti hindi lamang sa kapwa bansa, kundi rin sa buong mundo. Makakatulong ito sa paglutas ng dalawang bansa sa alitan.

Sa hinaharap, anumang pagbabago sa kalagayan ang magaganap, sa pamamagitan ng mga positibong elemento ng mikro at makro ekonomiya, may kompiyansa at kakayahan ang Tsina na harapin ang iba't ibang uri ng hamon, para isakatuparan ang mga nakatakdang target ng kabuhayan at ang de-kalidad na pag-unlad nito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>