|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa pinakahuling tweet ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Amerika kaugnay ng isyu ng Hong Kong, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Hong Kong ay bahagi ng Tsina. Hinimok ni Hua si Pelosi na itigil ang pagsuporta sa mga marahas na protestador at ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Sa regular na preskon nitong Huwebes, Oktubre 24, sa Beijing, ipinahayag ni Hua ang kalungkutan at pagkapoot kay Pelosi sa kanyang pagbaligtad ng tama at mali, at pagpapaganda at pagkatig sa karahasan ng mga radikal sa Hong Kong.
Ini-tweet nitong Martes ni Pelosi ang larawan niya, kasama nina Jimmy Lai at Martin Lee. Ipinahayag din niya ang "ganap na suporta at paghanga sa mga linggu-linggong naglakad-lakad sa kalye para sa di-marahas na protesta at paglaban sa demokrasya at pangangasiwa ayon sa batas ng Hong Kong."
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |