Sa kanilang pag-uusap sa telepono kamakalawa, Biyernes, ika-25 ng Oktubre 2019, kinumpirma ng mga punong negosyador sa isyung pangkalakalan ng Tsina at Amerika ang pagpapatupad ng konsultasyong teknikal hinggil sa bahagi ng mga teksto ng kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Samantala, narating nila ang komong palagay sa ilang konkretong isyu, at sinang-ayunan ding maayos na lutasin ang mga nukleong pagkabahala ng isa't isa.
Ito ay positibong palatandaang patuloy na sumusulong ang kapwa panig Tsino at Amerikano sa komong target na marating ang kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan, at ibayo pa silang naglatag ng pundasyon para rito.
Ang susi sa pagkakaroon ng Tsina at Amerika ng kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan ay pagsasaalang-alang ng kapwa panig sa mga nukleong pagkabahala ng isa't isa. Sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, nilulutas ng panig Tsino ang mga nukleong pagkabahala ng panig Amerikano, na gaya ng pagbebenta ng mga produktong agrikultural, pagpapahigpit ng pagkontrol sa pagpupuslit ng fentanyl, at iba pa. Samantala, dapat naman lutasin ng panig Amerikano ang tatlong pangunahing nukleong pagkabahala ng panig Tsino, na kinabibilangan ng pag-alis ng lahat ng mga karagdagang taripa, pagtatakda ng angkop na bolyum ng pamimili mula sa Amerika, at pagkakaroon ng balanseng kasunduan.
Batay sa mga natamong bunga, dapat pag-ibayuhin ng kapwa panig Tsino at Amerikano ang pagsisikap sa pagkontrol sa mga pagkakaiba, at pagpapalawak ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Kung ganito, may posibilidad na marating ng dalawang panig ang kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan na paborable sa isa't isa at buong daigdig.
Salin: Liu Kai