Sa paanyaya nina Punong Ministro Abdulla Aripov ng Uzbekistan at Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, mula Nobyembre 1 hanggang 5, 2019, dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Pulong ng mga Punong Ministro ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Bukod dito, opisyal ding dadalaw sa Li sa Uzbekistan, dadalo sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya na idaraos sa Bangkok, at dadalaw sa Thailand.
Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Oktubre 28, 2019 ng mga kaukulang namamahalang tauhan ng Ministring Panlabas at Ministri ng Komseryo ng Tsina, na isusulong ng biyaheng ito ang kooperasyon ng Tsina at mga may kaugnayang bansa at organisasyong pandaigdig sa magkakasamang pagtatatag ng "Belt and Road."
Salin: Li Feng