Sa pagtatagpo nitong Biyernes, Oktubre 18, 2019 nina Jurin Laksanawisit, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Komersyo ng Thailand, at Han Changbin, Ministro ng Agrikultura ng Tsina, nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Thai, bilateral at multilateral na kooperasyong agrikultural, pagdadalawan ng mga ekspertong agrikultural, pagpapalitan ng mga tauhan ng dalawang panig, at iba pang isyu.
Ipinahayag ni Han na ang layon ng kanyang biyahe na palakasin ang relasyong Sino-Thai at pasulungin ang pagtatamo ng mas maraming pragmatikong bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng agrikultura. Sinabi niya na natamo ng dalawang bansa ang mga positibong bunga sa larangang ito, at napapatingkad dito ng Thailand ang mahalagang papel.
Lubos namang hinahangaan ng panig Thai ang mga natamong bunga ng Tsina sa pagbabawas ng karalitaan. Aniya, may malinaw na hangarin at kongkretong hakbang ang Tsina sa aspekto ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap. May malaking katuturan ang matagumpay na karanasan ng Tsina para sa Thailand at mga iba pang bansa, dagdag niya.
Salin: Lito