Bubuksan Nobyembre 5 sa Shanghai ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Lumawak sa 330,000 metro kuwadrado ang saklaw ng tanghalan ng mga bahay-kalakal sa kasalukuyang taon, mula 270,000 metro kuwadrado noong isang taon. Kahit dalawang beses na pinalawak ang saklaw ng eksibisyon, mahirap pa ring tugunan ang pangangailangan ng mga eksibitor.
Ayon sa estadisktika, 57.83 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga kontratang nilagdaan sa unang CIIE, at lampas na sa 90% ngayon ang contract completion rate. Ang malaking pangangailangan sa bilang ng mga booth ng CIIE ay nagpapakitang lipos ang kompiyansa ng iba't ibang panig sa kinabukasan ng kabuhayang Tsino, at lipos din ang pananabik nila sa bukas na pamilihan ng Tsina. Bilang nakikinabang at aktibong tagapagpasulong sa liberalisasyon ng kalakalan at globalisasyong pangkabuhayan, hindi lamang pinapanatili ng Tsina ang matatag at de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, kundi buong tatag din nitong ipinapatupad ang pangako sa walang humpay na pagpapalawak ng pagbubukas. Sanhi nito, masiglang sumasali sa CIIE ang iba't ibang panig, para maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta.
Salin: Vera