Dumating ngayong araw, Biyernes, Nobyembre 1, 2019 ng Tashkent, Uzbekistan, si Premyer Li Keqiang ng Tsina. Sa pananatili roon, dadalo siya sa Ika-18 Pulong ng Konseho ng Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), at magsasagawa ng opisyal na pagdalaw sa Uzbekistan.
Sa paliparan, inihandog ni Punong Ministro Abdulla Aripov ng Uzbekistan ang maringal na seremonya ng panalubong kay Li.
Ipinahayag naman ni Li ang pag-asang, sa pamamagitan ng biyaheng ito, susulong sa mas mataas na lebel ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Uzbekistan, at magdudulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai