Sa Hongqiao International Economic Forum, isang parallel event ng Ika-2 China International Import Expo, idinaos ngayong araw, Martes, ika-5 ng Nobyembre 2019, sa Shanghai, ang sub-forum hinggil sa pag-unlad ng Tsina nitong 70 taong nakalipas at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Dumalo at nagtalumpati sa sub-forum si Huang Kunming, Puno ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, hinggil sa pagbabahagi ng mga karanasan sa pagpapaunlad at pamamahala ng estado, para sa pagkakaroon ng maligaya at magandang kinabukasan.
Salin: Liu Kai