Binuksan nitong Martes, Nobyembre 5 sa Shanghai ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pangako ng bansa na ibayo pang magbubukas sa labas para maisakatuparan ang komong kasaganaan. Ipinahayag din ni Xi ang kompiyansa sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Masasabing sa ilalim ng proteksyonismong pangkalakalan at paglaban sa globalisasyon, ang matatag at sustenableng paglago ng kabuhayan ng Tsina ay nagdudulot ng kompiyansa at pagkakataon para sa daigdig. Noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, nanatiling 6.2% ang paglaki ng GDP ng Tsina. Sa ulat na Doing Business 2020 ng World Bank, ang Tsina ay isa sa 20 ekonomiya ng daigdig na pinakamagaling sa pagpapaginhawa ng kapaligirang pang-negosyo.
Sa kanyang talumpati, sinabi rin ni Xi na noong unang CIIE, iniharap ng Tsina ang limang hakbangin para ibayo pang magbukas sa labas ang bansa, at tatlong kahilingan para sa ibayo pang pagbubukas sa labas ng Shanghai. Nitong isang taong nakalipas, naisakatuparan sa kabuuan ang nasabing mga hakbang, dagdag pa ni Xi.
Sa kasalukuyang ekspo, sa pangalan ng Tsina, ipinangako rin ni Xi na ibayo pang magbubukas ang pamilihang Tsino sa pamamagitan ng limang bagong hakbangin, para itatag, kasama ng iba't ibang bansa ang bukas at inobatibong kabuhayang pandaigdig. Masasabing walang humpay na tinutupad at patuloy na tutupdin ng Tsina ang pangako at pangarap nito para maisakatuparan ang komong kaunlaran ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Jade