Matapos ang pag-uusap nitong Lunes, Nobyembre 11, 2019 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Kyriakos Mitsotakis ng Greece, inilabas nila ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagpapalakas ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang panig. Binigyang-diin ng kapuwa panig na magkakasamang pasusulungin at palalalimin ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Unyong Europeo (EU), at itatatag ang partnership sa apat na aspektong kinabibilangan ng kapayapaan, paglago, reporma at sibilisasyon.
Ipinalalagay ng kapuwa panig na ang kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa ay may kapaki-pakinabang na pagkokomplemento na mainam para sa relasyong Sino-Europeo. Ikinasisiya ng panig Griyego ang pormal na pagsapi sa mekanismo ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa, at nakahanda itong patingkarin ang positibong papel sa loob ng nasabing mekanismo, upang mapasulong ang pagtatamong ng bagong progreso ng nasabing kooperasyon.
Salin: Vera