Brasilia, Brazil—Nagtagpo nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2019 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika.
Saad ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Timog Aprikano, para mapalakas ang pagkakaisa at kooperasyon ng mga bansa ng BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa), mapasulong ang konstruksyon ng Forum on China-Africa Cooperation, mapanatili ang mahigpit na pag-uugayan at pagkokoordina sa mahahalagang isyung panrehiyo't pandaigdig, at mapangalagaan ang katwiran at katarungan ng daigdig.
Isinalaysay naman ni Pangulong Ramaphosa ang plano ng kanyang bansa sa pagsasabalikat ng tungkulin bilang tagapangulong bansa ng African Union sa susunod na taon. Inaasahan aniya niyang mapapalakas ang konstruksyon ng Forum on China-Africa Cooperation, tutulungan ang Aprika sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at kaligtasan, at sasalubungin ang bagong rebolusyong industriyal.
Nagpahayag din ang kapuwa panig ng pagtutol sa unilateralismo at hegemonismo.
Salin: Vera