Sa komentaryong inilabas ngayong araw, Martes, ika-19 ng Nobyembre 2019, ng pahayagang People's Daily ng Tsina, sinabi nitong, ang pahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping tungkol sa kalagayan ng Hong Kong ay nagpapakita ng matatag na determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagtutol sa pakikialam ng puwersang dayuhan sa suliranin ng Hong Kong.
Dagdag ng komentaryo, ang mga pananalita at aksyon ng mga puwersang dayuhan kaugnay ng suliranin ng Hong Kong ay nagbubunyag ng kanilang double standard sa mga isyu ng karapatang pantao at demokrasya, at kanila ring tunay na layunin ng paglikha ng kaguluhan sa Tsina para hadlangan ang pag-unlad ng bansa.
Salin: Liu Kai