Kaugnay ng pagpapatibay ng Mataas na Kapulungan ng Estados Unidos sa mga mosyong may kinalaman sa Hong Kong na gaya ng umano'y Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019, solemnang ipinahayag Miyerkules, Nobyembre 20, 2019 ng namamahalang tauhan ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na ang Hong Kong ay di-maihihiwalay na teritoryo ng Tsina, at walang kuwalipikasyon ang mga pulitikong Amerikano na magsalita ng kung anu-ano sa mga suliranin ng Hong Kong, sa pamamagitan ng kanilang batas na panloob. Aniya, Ang kaukulang mosyon ay magaslaw na pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, grabeng yumuyurak sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at buong tatag itong tinututulan ng Tsina. Kung ipagpipilitan ng panig Amerikano ang sariling paninindigan, tiyak na isasagawa ng panig Tsino ang malakas na ganting hakbangin, dagdag ng nasabing tauhan.
Tinukoy niyang ang pagpapanatili ng kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, at paggarantiya sa katatagan ng simulaing "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ay angkop sa komong kapakanan ng komunidad ng daigdig. Aniya, ang pagsira ng mga pulitikong Amerikano sa katayuan ng Hong Kong bilang sentro ng pananalapi, abiyasyon at kalakalan ng daigdig, sa pamamagitan ng kaukulang mosyon, ay tiyak na makakapinsala sa kapakanan ng iba't ibang bansa sa Hong Kong na kinabibilangan ng Amerika.
Salin: Vera