Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Peng Liyuan at Bill Gates, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-11-22 08:15:01       CRI

Nagtagpo nitong Huwebes, Nobyembre 21, sa Beijing sina Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at goodwill ambassador ng World Health Organization (WHO) para sa tuberculosis (TB) at HIV/AIDS, at Bill Gates, co-chair ng Bill & Melinda Gates Foundation.

Ipinahayag ni Peng ang mataas na pagtasa sa epektibo at mabungang pagtutulungan sa pagitan ng Bill & Melinda Gates Foundation at Tsina. Higit sa lahat, hinangaan ni Peng ang progresong natamo sa mga proyektong suportado ng pundasyon sa pagpigil at pagkontrol sa HIV/AIDS at pagkakaloob ng mas mabuting alagang pangkalusugan sa mahihirap na mamamayan sa Liangshan Yi Autonomous Prefecture, Sichuan, lalagiwan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.

Dagdag pa ni Peng, ang pagkakaloob ng mas mabuting serbisyong pangkalusugan ay isa sa mga masusing hakbang ng Tsina para mapahupa ang karalitaan. Kaya, ipinahayag niya ang pag-asang patuloy na suportahan ito ng Bill & Melinda Gates Foundation

Ipinahayag naman ni Gates ang mataas na pagkilala sa kamangha-manghang bungang natamo ng Tsina sa pagpapahupa ng kahirapan sa larangan ng pangangalaga sa kalusugan, at ibinigay na ambag ng bansa sa pagpapasulong ng pandaigdig na kooperasyon at sustenableng pag-unlad.

Ang pagpapahigpit ng kooperasyon sa pagitan ng Amerika at Tsina ay makakabuti sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig, saad ni Gates.

Ipinahayag din ni Gates ang kahandaan ng kanyang pundasyon na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng alagang-pangkalusugan, pagpapahupa ng karalitaan, at kapakanang pampublikio , at pagbibigay-tulong sa iba pang mga umuunlad na bansa sa larangan ng kaunlarang pangkalusugan at pang-agrikultura.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>