Ipinatawag kahapon, Lunes, ika-25 ng Nobyembre 2019, sa Beijing, ni Pangalawang Ministrong Panlabas Zheng Zeguang ng Tsina, si Terry Branstad, Embahador ng Amerika sa Tsina, para iharap ang solemnang representasyon at malakas na kondemnasyon sa pagpapatibay kamakailan ng Kongreso ng Amerika ng Hong Kong Human Rights and Democracy Act.
Tinukoy ni Zheng, na ang suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Aniya, ang naturang aksyon ng Kongresong Amerikano ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, panunulsol at pagsuporta sa mga marahas na krimen ng puwersang lumilikha ng kaguluhan sa Hong Kong, at labag din sa pandaigdig na batas at saligang norma ng relasyong pandaigdig.
Dagdag pa ni Zheng, hinihimok ng Tsina ang panig Amerikano na agarang iwasto ang kamalian at itigil ang pakikialam sa suliranin ng Hong Kong.
Salin: Liu Kai