Matagumpay na nailunsad ngayong umaga, Huwebes, ika-28 ng Nobyembre 2019, mula sa Taiyuan Satellite Launch Center sa lalawigang Shanxi ng Tsina, ang Gaofen-12 high-definition earth observation satellite ng bansa. Pumasok ang satellite sa nakatakdang orbita.
Ang Gaofen-12 ay gagamitin para sa pagsusuri sa lupa, pagpaplano para sa kalunsuran, pagdidisenyo ng network ng lansangan, pagtaya sa output ng mga pananim, gawaing panaklolo para sa kapahamakan, at iba pa. Maglilingkod din ito sa mga proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai