Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Nobyembre 29, 2019 sa mga diplomata ng mga bansang Europeo at Asyano sa Tsina, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na palagiang nasa mahalagang katayuan ang rehiyong Europeo at Asyano sa diplomasya ng Tsina. Aniya, sa kasalukuyan, nasa mahalagang panahong historikal ang kapwa panig, kaya dapat patuloy na katigan ng dalawang panig ang isa't-isa, ibayo pang palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, at katigan ang iba't-ibang bansa sa pagpili ng landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayang pang-estado. Dapat din aniyang magkakasamang magsikap ang kapwa panig para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ani Wang, sa harap ng malubhang bantang dulot ng unilateralismo at hegemonya, dapat umaksyon ang Tsina at mga bansa sa rehiyong Europeo at Asyano para magkakasamang maipagtanggol ang pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig, at buong tatag na pangalagaan ang sistemang pandaidig na ang United Nations (UN) ay nukleo at kaayusang pandaidig na ang pandaigdigang batas ay pundasyon.
Salin: Li Feng