Sinabi ni Wang Yi, State Councilor at Foreign Minister ng Tsina na itinataguyod ng Tsina ang mataas na antas ng pagbubukas sa kanyang pagdalaw sa Seoul nitong Disyembre 5.
"Hindi lamang naisakatuparan ng Tsina ang lahat ng mga pangako noong sumali ang Tsina sa WTO, kundi ipinataw ng Tsina ang karaniwang taripa sa 7.5 porsyento, mas mababa kaysa mga umuunlad na bansa at mga umuusbong na ekonomiya" sinabi ni Wang Yi. Dagdag niyang ranggo ng kapaligirang pang-negosyo sa Tsina ay tumaas ika-31 mula ika-78 noong nakaraang dalawang taon.
Ayon pa rin kay Wang, ibinaba ng Tsina ang pamantayan ng pagpasok sa merkado, ganap na binuksan ang industriya ng pagmamanupaktura, at pinabilis ang pagbubukas ng industriya ng serbisyo. Magpapatupad aniya ang Tsina ng bagong batas ng dayuhang pamumuhanan mula Enero 1, 2020, upang magbigay ng mas mabuting kapaligiran ng pamumuhunan para sa mga dayuhan.
Salin: Zhang Ziyue