Inilabas kamakailan ng Tsina ang isang mahalagang dokumento hinggil sa programa ng pagpapasulong sa integrasyon ng Yangtze River Delta, na binubuo ng Shanghai, Jiangsu, Zhejiang, at Anhui, isang munisipalidad at tatlong lalawigan sa silangang Tsina, ayon sa pagkakasunod, sa darating na 5 hanggang 15 taon. Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na patitingkarin ng rehiyong ito ang malaking papel sa pagpapasulong sa paglaki ng kabuhayang Tsino.
Ang Yangtze River Delta ay isang mahalagang rehiyon para sa kabuhayang Tsino. Ang kabuuang saklaw nito ay hindi aabot sa 4% ng teritoryo ng Tsina, pero lumikha ito ng halos sangka-apat ng kabuuang bolyum ng kabuhayan ng bansa. Batay sa nabanggit na programa, sa hinaharap, ang rehiyong ito ay magiging mahalagang lugar para isagawa ang mga hakbangin ng bagong round ng pagbubukas sa labas. Makakatulong ito sa pagpapataas ng lebel ng kooperasyong pandaigdig ng Tsina sa aspekto ng pamumuhunan at pinansyo, at ito ay magiging huwaran ng ibang mga lugar para sa pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo.
Ipinakikita ng programang ito sa komunidad ng daigdig ang matatag na determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas. Ito rin ay mahalagang pagkakataong karapat-dapat na samantalahin ng iba't ibang bansa para makinabang sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai